‏ 1 Chronicles 24

Ang Gawain ng mga Pari

1Ito ang mga grupo ng mga angkan ni Aaron:

Ang mga anak na lalaki ni Aaron ay sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.
2Pero unang namatay sina Nadab at Abihu sa kanilang ama, at wala silang anak, kaya sina Eleazar at Itamar ang naglingkod bilang mga pari. 3Sa tulong nina Zadok na mula sa angkan ni Eleazar, at Ahimelec na mula sa angkan ni Itamar, pinagbukod-bukod ni Haring David ang angkan ni Aaron ayon sa kanilang tungkulin. 4Ang angkan ni Eleazar ay hinati sa 16 na grupo at ang angkan ni Itamar sa walong grupo, dahil mas marami ang mga pinuno sa pamilya ng angkan ni Eleazar. 5Ang lahat ng gawain ay hinati sa mga grupo sa pamamagitan ng palabunutan, kaya may mga opisyal ng templo na naglilingkod sa Dios mula sa mga angkan ni Eleazar at mula sa mga angkan ni Itamar.

6Si Shemaya na anak ni Netanel na Levita ang kalihim. Itinala niya ang pangalan ng mga pari sa harap ng hari at ng mga opisyal na sina Zadok na pari, Ahimelec na anak ni Abiatar, at ng mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari at ng mga Levita. Salitan sa pagbunot ang angkan nina Eleazar at Itamar.

7Ang unang nabunot ay si Jehoyarib,
ang ikalawa ay si Jedaya,
8ang ikatlo ay si Harim,
ang ikaapat ay si Seorim,
9ang ikalima ay si Malkia,
ang ikaanim ay si Mijamin,
10ang ikapito ay si Hakoz,
ang ikawalo ay si Abijah,
11ang ikasiyam ay si Jeshua,
ang ikasampu ay si Shecania,
12ang ika-11 ay si Eliashib,
ang ika-12 ay si Jakim,
13ang ika-13 ay si Huppa,
ang ika-14 ay si Jeshebeab,
14ang ika-15 ay si Bilga,
ang ika-16 ay si Imer,
15ang ika-17 ay si Hezir,
ang ika-18 ay si Hapizez,
16ang ika-19 ay si Petahia,
ang ika-20 ay si Jehezkel,
17ang ika-21 ay si Jakin,
ang ika-22 ay si Gamul,
18ang ika-23 ay si Delaya,
at ang ika-24 ay si Maazia.
19Ginawa nila ang kanilang mga tungkulin sa templo ng Panginoon ayon sa tuntunin na ibinigay ng ninuno nilang si Aaron mula sa Panginoon, ang Dios ng Israel.

Ang mga Pinuno ng mga Pamilya ng mga Levita

20Ito ang mga pinuno ng mga pamilya ng iba pang lahi ni Levi:

Mula sa angkan ni Amram: si Shubael.
Mula sa angkan ni Shubael: si Jedeya.
21Mula sa angkan ni Rehabia: si Ishia, ang pinakapinuno ng kanilang pamilya.
22Mula sa angkan ni Izar: si Shelomot.
Mula sa angkan ni Shelomot: si Jahat.
23Mula sa angkan ni Hebron: si Jeria ang pinakapinuno ng kanilang pamilya, si Amaria ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo at si Jekameam ang ikaapat.
24Mula sa angkan ni Uziel: si Micas.
Mula sa angkan ni Micas: si Shamir.
25Mula sa angkan ni Ishia na kapatid na lalaki ni Micas: si Zacarias.
26Mula sa angkan ni Merari: sina Mahli at Mushi.
Mula sa angkan ni Jaazia: si Beno.
27Mula sa angkan ni Merari sa pamamagitan ni Jaazia: sina Beno, Shoham, Zacur at Ibri.
28Mula sa angkan ni Mahli: si Eleazar, na walang mga anak na lalaki.
29Mula sa angkan ni Kish: si Jerameel.
30Mula sa angkan ni Mushi: sina Mahli, Eder at Jerimot.
Iyon ang mga Levita ayon sa kanilang mga pamilya.
31Katulad ng ginawa ng mga angkan ni Aaron, nagpalabunutan din sila para malaman ang mga tungkulin nila, anuman ang kanilang edad. Ginawa nila ito sa harap nina Haring David, Zadok, Ahimelec at ng mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari at mga Levita.

Copyright information for TglASD