‏ 1 Chronicles 25

Ang mga Musikero

1Pumili si David at ang mga kumander ng mga sundalo mula sa mga anak ni Asaf, Heman at Jedutun para ipahayag ang mensahe ng Dios na tinutugtugan ng mga alpa, lira at pompyang. Ito ang talaan ng mga pangalan nila at gawain:

2Mula sa mga anak na lalaki ni Asaf: sina Zacur, Jose, Netania at Asarela. Naglingkod sila sa ilalim ng pamamahala ng kanilang ama. Si Asaf ang nagpapahayag ng mensahe ng Dios kung ipinag-uutos ito ng hari.

3Mula sa mga anak na lalaki ni Jedutun: sina Gedalia, Zeri, Jeshaya, Shimei,
Shimei: Wala ito sa karamihang tekstong Hebreo, ngunit makikita ito sa isang tekstong Hebreo at sa iilang tekstong Septuagint.
Hashabia at Matitia – anim silang lahat. Naglingkod din sila sa ilalim ng pamamahala ng ama nilang si Jedutun, na nagpahayag ng mensahe ng Dios na tinutugtugan ng alpa, na may pasasalamat at papuri sa Panginoon.

4Mula sa mga anak na lalaki ni Heman: sina Bukia, Matania, Uziel, Shebuel,
Shebuel: o, Shubael.
Jerimot, Hanania, Hanani, Eliata, Giddalti, Romamti Ezer, Joshbekasha, Malloti, Hotir at Mahaziot.
5Silang lahat ang anak ni Heman na propeta ng hari. Pinarangalan siya ng Dios sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng 14 na anak na lalaki at tatlong anak na babae, ayon sa ipinangako ng Dios sa kanya.

6Ang lahat ng lalaking ito ay pinamahalaan ng kanilang ama sa pagtugtog nila ng mga pompyang, lira at alpa bilang paglilingkod sa bahay ng Dios. Sina Asaf, Jedutun at Heman ay nasa ilalim ng pamamahala ng hari. 7Sila at ang mga kamag-anak nila, na 288 lahat ay mahuhusay na musikero para sa Panginoon. 8Nagpalabunutan sila para malaman ang kanya-kanyang tungkulin, bata man o matanda, guro man o mag-aaral.

9Ang unang nabunot sa pamilya ni Asaf ay si Jose at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak
at ang mga … kamag-anak: Wala ito sa Hebreo, pero makikita sa Septuagint.
 – 12 sila.
Ang ikalawa ay si Gedalia at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
10Ang ikatlo ay si Zacur at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
11Ang ikaapat ay si Izri
Izri: o, Zeri.
at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
12Ang ikalima ay si Netania at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
13Ang ikaanim ay si Bukia at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
14Ang ikapito ay si Jesarela
Jesarela: o, Azarela.
at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
15Ang ikawalo ay si Jeshaya at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
16Ang ikasiyam ay si Matania at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
17Ang ikasampu ay si Shimei at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
18Ang ika-11 ay si Azarel
Azarel: o, Uziel.
at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
19Ang ika-12 ay si Hashabia at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
20Ang ika-13 ay si Shebuel
Shebuel: o, Shubael.
at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
21Ang ika-14 ay si Matitia at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
22Ang ika-15 ay si Jerimot
Jerimot: o, Jeremot.
at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
23Ang ika-16 ay si Hanania at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
24Ang ika-17 ay si Joshbekasha at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
25Ang ika-18 ay si Hanani at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
26Ang ika-19 ay si Malloti at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
27Ang ika-20 ay si Eliata at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
28Ang ika-21 ay si Hotir at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
29Ang ika-22 ay si Gedalti at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
30Ang ika-23 ay si Mahaziot at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
31Ang ika-24 ay si Romamti Ezer at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
Copyright information for TglASD