1 Chronicles 6
Ang Lahi ni Levi na mga Pari
1Ito ang mga anak na lalaki ni Levi: sina Gershon, ▼▼Gershon: o, Gershom.
Kohat at Merari. 2Ang mga anak na lalaki ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel. 3Ang mga anak ni Amram ay sina Aaron, Moises at Miriam. Ang mga anak na lalaki ni Aaron ay sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar. 4Si Eleazar ay ama ni Finehas, si Finehas ay ama ni Abishua, 5at si Abishua ay ama ni Buki. Si Buki ay ama ni Uzi, 6si Uzi ay ama ni Zerahia at si Zerahia ay ama ni Merayot. 7Si Merayot ay ama ni Amaria, si Amaria ay ama ni Ahitub, 8si Ahitub ay ama ni Zadok. Si Zadok ay ama ni Ahimaaz, 9si Ahimaaz ay ama ni Azaria, at si Azaria ay ama ni Johanan. 10Si Johanan ay ama ni Azaria na siyang punong pari nang ipinatayo ni Solomon ang templo sa Jerusalem. 11Si Azaria ay ama ni Amaria, si Amaria ay ama ni Ahitub, 12at si Ahitub ay ama ni Zadok. Si Zadok ay ama ni Shalum, 13si Shalum ay ama ni Hilkia at si Hilkia ay ama ni Azaria. 14Si Azaria ay ama ni Seraya at si Seraya ay ama ni Jehozadak. 15Si Jehozadak ay kasama sa mga bihag nang ipabihag ng Panginoon ang mga mamamayan ng Jerusalem at Juda kay Nebucadnezar. Ang Iba pang Lahi ni Levi
16Ang mga anak na lalaki ni Levi ay sina Gershon, Kohat at Merari. 17Ang mga anak na lalaki ni Gershon ay sina Libni at Shimei. 18Ang mga anak na lalaki ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel. 19Ang mga anak na lalaki ni Merari ay sina Mahli at Mushi.Ito ang mga pamilya ng mga Levita na itinala ayon sa kanilang mga ninuno:
20Sa mga angkan ni Gershon: sina Libni, Jehat, Zima, 21Joa, Iddo, Zera at Jeaterai.
22Sa mga angkan ni Kohat: sina Aminadab, Kora, Asir, 23Elkana, Ebiasaf, ▼
▼Ebiasaf: o, Abiasaf.
Asir, 24Tahat, Uriel, Uzia at Shaul. 25Sa mga angkan ni Elkana: sina Amasai, Ahimot, 26Elkana, Zofai, Nahat, 27Eliab, Jeroham, Elkana at Samuel. ▼▼Samuel: Wala ito sa tekstong Hebreo, pero makikita sa ibang mga tekstong Septuagint at sa Syriac.
28Ang mga anak na lalaki ni Samuel ay si Joel, ▼▼Joel: Wala ito sa tekstong Hebreo, pero makikita sa ibang mga tekstong Septuagint at sa Syriac.
ang panganay, at ang ikalawa ay si Abijah. 29Sa mga angkan ni Merari: sina Mahli, Libni, Shimei, Uza, 30Shimea, Haggia at Asaya.
Ang mga Musikero sa Templo
31May mga taong itinalaga ni David sa pag-awit at pagtugtog sa bahay ng Panginoon matapos malipat doon ang Kahon ng Kasunduan. 32Naglingkod sila sa pamamagitan ng pag-awit doon sa Toldang Sambahan na tinatawag ding Toldang Tipanan hanggang sa panahon na naipatayo ni Solomon ang templo ng Panginoon sa Jerusalem. Ginawa nila ang kanilang gawain ayon sa mga tuntunin na ipinatupad sa kanila. 33Ito ang mga naglilingkod na kasama ang kanilang mga anak:Si Heman na isang musikero na mula sa angkan ni Kohat. (Si Heman ay anak ni Joel. Si Joel ay anak ni Samuel. Si Samuel ay anak ni Elkana. 34Si Elkana ay anak ni Jeroham. Si Jeroham ay anak ni Eliel. Si Eliel ay anak ni Toa. 35Si Toa ay anak ni Zuf. Si Zuf ay anak ni Elkana. Si Elkana ay anak ni Mahat. Si Mahat ay anak ni Amasai. 36Si Amasai ay anak ni Elkana. Si Elkana ay anak ni Joel. Si Joel ay anak ni Azaria. Si Azaria ay anak ni Zefanias. 37Si Zefanias ay anak ni Tahat. Si Tahat ay anak ni Asir. Si Asir ay anak ni Ebiasaf. Si Ebiasaf ay anak ni Kora. 38Si Kora ay anak ni Izar. Si Izar ay anak ni Kohat. Si Kohat ay anak ni Levi. Si Levi ay anak ni Israel.)
39Si Asaf na mula sa angkan ni Gershon. Siya ang unang tagapamahala ni Heman. (Si Asaf ay anak ni Berekia. Si Berekia ay anak ni Shimea. 40Si Shimea ay anak ni Micael. Si Micael ay anak ni Baaseya. Si Baaseya ay anak ni Malkia. 41Si Malkia ay anak ni Etni. Si Etni ay anak ni Zera. Si Zera ay anak ni Adaya. 42Si Adaya ay anak ni Etan. Si Etan ay anak ni Zima. Si Zima ay anak ni Shimei. 43Si Shimei ay anak ni Jahat. Si Jahat ay anak ni Gershon. Si Gershon ay anak ni Levi.)
44Si Etan na mula sa angkan ni Merari. Siya ang pangalawang tagapamahala ni Heman. (Si Etan ay anak ni Kishi. Si Kishi ay anak ni Abdi. Si Abdi ay anak ni Maluc. 45Si Maluc ay anak ni Hashabia. Si Hashabia ay anak ni Amazia. Si Amazia ay anak ni Hilkia. 46Si Hilkia ay anak ni Amzi. Si Amzi ay anak ni Bani. Si Bani ay anak ni Shemer. 47Si Shemer ay anak ni Mahli. Si Mahli ay anak ni Mushi. Si Mushi ay anak ni Merari. At si Merari ay anak ni Levi.)
48Ang mga kapwa nila Levita ay binigyan ng ibang gawain sa Toldang Sambahan, ang bahay ng Dios. 49Pero si Aaron at ang kanyang angkan ang naghahandog sa altar na pinag-aalayan ng mga handog na sinusunog at sa altar na pinagsusunugan ng insenso. At sila rin ang gumagawa ng iba pang mga gawain na may kinalaman sa ginagawa sa Pinakabanal na Lugar. Naghahandog sila para sa kapatawaran ng kasalanan ng Israel. Ginagawa nila ito ayon sa lahat ng iniutos ni Moises na lingkod ng Dios. 50Ito ang mga angkan ni Aaron: sina Eleazar, Finehas, Abishua, 51Buki, Uzi, Zerahia, 52Merayot, Amaria, Ahitub, 53Zadok, at Ahimaaz.
Ang mga Lupain ng Lahi ni Levi
54Ito ang mga lupain na ibinigay sa angkan ni Aaron na mula sa angkan ni Kohat. Sila ang unang binigyan ng lupain sa pamamagitan ng palabunutan. 55Kabilang sa mga lupaing ito ay ang Hebron na nasa Juda at ang mga pastulan sa paligid nito. 56Pero ang mga bukirin at ang mga baryo sa paligid ng Hebron ay ibinigay kay Caleb na anak ni Jefune. 57Kaya ibinigay sa angkan ni Aaron ang mga sumusunod na lupain kabilang ang mga pastulan nito: Hebron (ang lungsod na tanggulan), Libna, Jatir, Estemoa, 58Hilen, ▼▼Hilen: o, Holon.
Debir, 59Ashan, ▼▼Ashan: o, Ain.
Juta, ▼▼Juta: Wala ito sa tekstong Hebreo, pero makikita sa tekstong Syriac.
at Bet Shemesh. 60At mula sa lupain ng lahi ni Benjamin ay ibinigay sa kanila ang Gibeon, ▼▼Gibeon: Wala ito sa tekstong Hebreo, pero makikita sa Josue 21:17.
Geba, Alemet at Anatot, pati na ang mga pastulan nito. Ang bayan na ibinigay sa angkang ito ni Kohat ay 13 lahat. 61Ang natirang mga angkan ni Kohat ay binigyan ng sampung bayan sa pamamagitan ng palabunutan mula sa lupain ng kalahating lahi ni Manase. 62Ang mga angkan ni Gershon ayon sa bawat pamilya ay binigyan ng 13 bayan mula sa mga lahi nina Isacar, Asher, Naftali, at mula sa kalahating lahi ni Manase sa Bashan.
63Ang angkan ni Merari, ayon sa bawat pamilya ay binigyan ng 12 bayan mula sa lahi nina Reuben, Gad at Zebulun.
64Kaya ibinigay ng mga Israelita sa mga Levita ang mga bayang ito at ang mga pastulan nito. 65Ibinigay din sa lahi ni Levi ang mga nabanggit na bayan na mula sa lahi nina Juda, Simeon at Benjamin. 66Ang ibang mga pamilya ni Kohat ay binigyan ng mga bayan mula sa lahi ni Efraim. 67Ibinigay sa kanila ang Shekem (na siyang lungsod na tanggulan sa kaburulan ng Efraim), ang Gezer, 68Jokmeam, Bet Horon, 69Ayalon at Gat Rimon, pati na ang mga pastulan nito. 70Ang iba pang angkan ni Kohat ay binigyan ng mga kapwa nila Israelita ng mga bayan mula sa kalahating lahi ni Manase. Ang ibinigay sa kanila ay ang Aner at Bileam pati ang mga pastulan nito.
71Ang angkan ni Gershon ay binigyan ng mga sumusunod na bayan:
Mula sa kalahating lahi ni Manase: Golan sa Bashan at ang Ashtarot, pati ang mga pastulan nito.
72Mula sa lahi ni Isacar: Kedesh, Daberat, 73Ramot at Anem, pati ang mga pastulan nito.
74Mula sa lahi ni Asher: Mashal, Abdon, 75Hukok at Rehob, pati ang mga pastulan nito.
76Mula sa lahi ni Naftali: Kedesh sa Galilea, Hammon at Kiriataim, pati ang mga pastulan nito.
77Ang mga natirang angkan ni Merari ay binigyan ng mga sumusunod na lupain:
Mula sa lahi ni Zebulun: Jokneam, Karta, ▼
▼Jokneam, Karta: Hindi ito makikita sa tekstong Hebreo ngunit makikita sa Septuagint at sa Josue 21:34.
Rimono at Tabor, pati ang mga pastulan nito.78Mula sa lahi ni Reuben na nasa kabilang Ilog ng Jordan sa silangan ng Jerico: Bezer sa may disyerto, Jaza, ▼
▼Jaza: o, Jahaz.
79Kedemot at Mefaat, pati ang mga pastulan nito. 80At mula sa lahi ni Gad: Ramot sa Gilead, Mahanaim, 81Heshbon at Jazer, pati ang mga pastulan nito.
Copyright information for
TglASD