‏ 1 Chronicles 8

Ang Lahi ni Benjamin

1Ito ang mga anak na lalaki ni Benjamin mula sa panganay hanggang sa pinakabata: Bela, Ashbel, Ahara, 2Noha at Rafa. 3Ang mga anak na lalaki ni Bela ay sina Adar, Gera, Abihud,
Abihud: o, Abihud, na ama ni Ehud.
4Abishua, Naaman, Ahoa, 5Gera, Shefufan at Huram. 6Ang mga angkan ni Ehud na pinuno ng kanilang mga pamilya ay pinaalis sa Geba at lumipat sa Manahat – 7sila ay sina Naaman, Ahia, at Gera. Si Gera na ama nina Uza at Ahihud ang nanguna sa paglipat nila.

8Hiniwalayan ni Shaharaim ang mga asawa niyang sina Hushim at Baara. Kinalaunan, tumira siya sa Moab, at nagkaanak siya 9sa asawa niyang si Hodes. Ang mga anak nilang lalaki ay sina Jobab, Zibia, Mesha, Malcam, 10Jeuz, Sakia at Mirma. Naging pinuno sila ng kanilang mga pamilya. 11May anak ding lalaki si Shaharaim sa asawa niyang si Hushim. Silaʼy sina Abitub at Elpaal. 12Ang mga anak na lalaki ni Elpaal ay sina Eber, Misam, Shemed (na nagtatag ng mga bayan ng Ono at Lod, at ng mga baryo sa paligid nito), 13at sina Beria at Shema. Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya na nakatira sa Ayalon. Sila rin ang nagpaalis sa mga naninirahan sa Gat. 14 15 16
The text of verses 14-1Ch 8:16 has been merged.
Ang mga anak na lalaki ni Beria ay sina Ahio, Shashak, Jeremot, Zebadia, Arad, Eder, Micael, Ishpa at Joha.

17 18Ang mga anak na lalaki ni Elpaal ay sina Zebadia, Meshulam, Hizki, Heber, Ishmerai, Izlia at Jobab.

19 20 21
The text of verses 19-1Ch 8:21 has been merged.
Ang mga anak na lalaki ni Shimei ay sina Jakim, Zicri, Zabdi, Elienai, Ziletai, Eliel, Adaya, Beraya at Shimrat.

22 23 24 25
The text of verses 22-1Ch 8:25 has been merged.
Ang mga anak na lalaki ni Shashak ay sina Ispan, Eber, Eliel Abdon, Zicri, Hanan, Hanania, Elam, Antotia, Ifdeya at Penuel.
26 27Ang mga anak na lalaki ni Jeroham ay sina Shamsherai, Sheharia, Atalia, Jaareshia, Elias at Zicri. 28Sila ang mga pinuno ng mga pamilya nila ayon sa talaan ng kanilang mga lahi, at tumira sila sa Jerusalem.

29Si Jeyel
Jeyel: Wala ito sa tekstong Hebreo, pero makikita sa ibang mga tekstong Septuagint.
na ama ni Gibeon ay tumira sa Gibeon. Ang pangalan ng asawa niya ay Maaca.
30Ang mga anak niyang lalaki mula sa panganay hanggang sa pinakabata ay sina Abdon, Zur, Kish, Baal, Ner,
Ner: Wala ito sa tekstong Hebreo, pero makikita sa ibang mga tekstong Septuagint.
Nadab,
31Gedor, Ahio, Zeker,
Zeker: o, Zacarias.
32at Miklot na ama ni Shimea.
Shimea: o, Shimeam.
Tumira sila malapit sa kanilang mga kamag-anak sa Jerusalem.
33Si Ner ang ama ni Kish, si Kish ang ama ni Saul, at si Saul ang ama ni Jonatan, Malki Shua, Abinadab at Eshbaal.
Eshbaal: siya rin si Ishboshet.
34Ang anak ni Jonatan ay si Merib Baal
Merib Baal: siya rin si Mefiboset.
na ama ni Micas.
35Ang mga anak na lalaki ni Micas ay sina Piton, Melec, Tarea at Ahaz. 36Si Ahaz ang ama ni Jehoada,
Jehoada: o, Jada.
at si Jehoada ang ama nina Alemet, Azmavet at Zimri. Si Zimri ang ama ni Moza,
37at si Moza ang ama ni Binea. Ang anak ni Binea ay si Rafa,
Rafa: o, Refaya.
na ama ni Eleasa, na ama ni Azel.
38Si Azel ay may anim na anak na lalaki na sina Azrikam, Bokeru, Ishmael, Shearia, Obadias at Hanan. 39Ang mga anak na lalaki ng kapatid ni Azel na si Eshek ay sina Ulam (ang panganay), Jeush (ang ikalawa), at Elifelet (ang ikatlo). 40Matatapang ang anak ni Ulam at mahuhusay silang pumana. Marami silang anak at apo – 150 lahat.

Silang lahat ang lahi ni Benjamin.

Copyright information for TglASD