Job 10
1“Kinasusuklaman ko ang buhay ko, kaya dadaing ako hanggaʼt gusto ko. Sasabihin ko ang aking sama ng loob. 2Ito ang sasabihin ko sa Dios: ‘Huwag nʼyo akong hatulan na masama ako. Sabihin nʼyo sa akin kung ano ang kasalanan ko sa inyo. 3Natutuwa ba kayo na pinahihirapan nʼyo ako? Bakit nʼyo itinatakwil ang inyong nilikha, at sinasang-ayunan naman ang binabalak ng masama? 4Ang paningin nʼyo baʼy tulad ng paningin ng tao? 5Ang buhay nʼyo baʼy kasing-ikli ng buhay ng tao? 6Bakit pilit nʼyo akong hinahanapan ng kasalanan? 7Alam nʼyong wala akong kasalanan, pero sino ang makapagtatanggol sa akin mula sa inyong kamay?8“ ‘Kayo ang gumawa at humubog sa akin, at ngayon kayo rin ang sisira sa akin. 9Alalahanin ninyong akoʼy hinubog nʼyo mula sa lupa ▼
▼hinubog … lupa: o, hinubog mo mula sa putik.
at ngayon baʼy ibabalik nʼyo na ako sa lupa? 10Hindi baʼt kayo ang humubog sa akin mula sa sinapupunan ng aking ina na parang keso na hinubog mula sa gatas? 11Binuo nʼyo ang aking mga buto at litid, at saka binalutan ng laman at balat. 12Pagkatapos, binigyan nʼyo ako ng buhay, pinakitaan ng kabutihan at iningatan. 13Pero nalaman ko na ang tunay ninyong plano sa akin 14ay ang bantayan ako kung magkakasala ako at kapag nangyari iyon, hindi nʼyo ako patatawarin. 15Nagkasala man ako o hindi, pareho lang naman na nakakaawa ako, dahil sa labis na kahihiyan at paghihirap na dinaranas ko. 16Pinagsisikapan kong bumangon, pero para kayong leon na nakaabang sa akin. Ginagamit nʼyo ang inyong kapangyarihan laban sa akin. 17Patuloy nʼyo akong isinasakdal at lalo kayong nagagalit sa akin. Walang tigil nʼyo akong nilulusob. 18“ ‘Bakit niloob nʼyo pa na isilang ako? Sanaʼy namatay na lang ako at wala nang nakakita sa akin. 19Hindi na lang sana ako nilikha. Namatay na lang sana ako bago isinilang at itinuloy sa libingan. 20Maikling panahon na lang ang natitira sa akin, kaya hayaan nʼyo na lang ako para kahit saglit man lang ay sumaya naman ako, 21bago ako pumunta sa lugar na malungkot at madilim, at hindi na ako makakabalik pa rito. 22Napakadilim sa lugar na iyon; palaging gabi at walang liwanag, at naghahari doon ang kaguluhan.’ ”
Copyright information for
TglASD