Job 20
Nagsalita si Zofar
1Pagkatapos, sumagot si Zofar na taga-Naama, 2“Kailangang magsalita na ako dahil hindi ako mapakali. 3Sinaway mo ako ng may halong pangungutya at may nag-uudyok sa isip kong ikaw ay sagutin.4“Tiyak na alam mo na mula pa noong unang panahon, simula nang likhain ang tao sa mundo, 5ang ligaya ng taong masama ay sandali lang. Totoong hindi nagtatagal ang kasiyahan ng taong hindi naniniwala sa Dios. 6Kahit na kasintaas ng langit at ulap ang tingin niya sa kanyang sarili, 7mawawala rin siya magpakailanman katulad ng kanyang dumi. Ang mga kakilala niyaʼy magtataka kung nasaan na siya. 8Mawawala siya na parang isang panaginip o pangitain sa gabi at hinding-hindi na matatagpuan. 9Hindi na siya makikita ng mga nakakakilala sa kanya at mawawala siya sa dati niyang tirahan. 10Ang mga anak niya ang magbabayad ng mga ninakaw niya sa mga dukha. 11Malakas at bata pa siyang mamamatay at ililibing.
12“Ang paggawa niya ng masama ay parang pagkaing matamis sa kanyang bibig 13na nginunguyang mabuti at ninanamnam. 14Pero pagdating sa tiyan, ito ay nagiging maasim at lalason sa kanya na parang kamandag ng ahas. 15Isusuka niyang parang pagkain ang kayamanang ninakaw niya. Ipapasuka ito ng Dios sa kanya kahit itoʼy nasa tiyan na niya. 16Sisipsipin niya ang kamandag ng mga ahas at ang pangil ▼
▼pangil: sa literal, dila.
ng ahas ang papatay sa kanya. 17Hindi na niya matitikman ang saganang langis, gatas, at ang pulot na dumadaloy na parang batis o ilog. 18Hindi siya gagantimpalaan para sa kanyang pinaghirapan o matutuwa man sa kanyang kayamanan. 19Sapagkat inapi niya at pinabayaan ang mga dukha, at inagaw ang mga bahay na hindi sa kanya. 20“Hindi niya mapapakinabangan ang kanyang pinaghirapan. Lahat ng magugustuhan niya ay hindi makakaligtas sa kanya. 21Wala ng matitira sa kanya na makakain niya dahil mawawala ang kanyang kayamanan. 22Sa kanyang kasaganaan, darating sa kanya ang kahirapan. Labis na paghihirap nga ang darating sa kanya. 23Bubusugin siya ng Dios ng paghihirap. Patitikimin siya ng Dios ng kanyang matinding galit, at pauulanan ng parusa. 24Maaaring makatakas siya sa sandatang bakal pero tatamaan din siya ng panang tanso. 25Tutusok ito sa kanyang apdo at tatagos sa kanyang katawan. At makakaramdam siya ng takot. 26Mawawala ang kanyang kayamanan sa kadiliman. Susunugin siya ng apoy na hindi tao ang nagpaningas, pati na ang lahat ng naiwan sa kanyang tirahan. ▼
▼tirahan: sa literal, tolda.
27Ihahayag ng langit ang mga kasalanan niya at sasaksi naman ang lupa laban sa kanya. 28Tatangayin ng baha ang bahay niya sa araw na ibuhos ng Dios ang kanyang galit. 29Iyan ang kapalaran ng taong masama ayon sa itinakda ng Dios sa kanya.”
Copyright information for
TglASD