Psalms 130
Pagtitiwala sa Panginoon sa Oras ng Paghihirap
1 Panginoon, sa labis kong paghihirap akoʼy tumatawag sa inyo.2Dinggin nʼyo po ang aking pagsusumamo.
3Kung inililista nʼyo ang aming mga kasalanan,
sino kaya sa amin ang matitira sa inyong presensya? ▼
▼matitira sa inyong presensya: o, makakatakas sa kaparusahan.
4Ngunit pinapatawad nʼyo kami, upang matuto kaming gumalang sa inyo.
5 Panginoon, akoʼy naghihintay sa inyo,
at umaasa sa inyong mga salita.
6Naghihintay ako sa inyo higit pa sa tagabantay na naghihintay na dumating ang umaga.
7Mga taga-Israel, magtiwala kayo sa Panginoon,
dahil siyaʼy mapagmahal at laging handang magligtas.
8Siya ang magliligtas sa inyo sa lahat ng inyong mga kasalanan.
Copyright information for
TglASD