‏ Psalms 99

Ang Panginoon ay Banal na Hari

1Naghahari ang Panginoon at nakaupo sa gitna ng mga kerubin.
Kaya ang mga taoʼy nanginginig sa takot at ang mundoʼy nayayanig.
2Makapangyarihan ang Panginoon sa Zion,
Zion: o, Jerusalem.

dinadakila siya sa lahat ng bansa.
3Magpupuri ang mga tao sa kanya dahil siya ay makapangyarihan at kagalang-galang.
Siya ay banal!
4Siyaʼy haring makapangyarihan at ang nais niyaʼy katarungan.
Sa kanyang paghatol ay wala siyang kinikilingan,
at ang ginagawa niya sa Israel
Israel: sa Hebreo, Jacob.
ay matuwid at makatarungan.
5Purihin ang Panginoon na ating Dios.
Sambahin siya sa kanyang templo.
templo: sa literal, patungan ng paa.

Siya ay banal!
6Sina Moises at Aaron ay kanyang mga pari,
at si Samuel ay isa sa mga nanalangin sa kanya.
Tumawag sila sa Panginoon at tinugon niya sila.
7Nakipag-usap siya sa kanila mula sa ulap na parang haligi;
sinunod nila ang mga katuruan at tuntunin na kanyang ibinigay.
8 Panginoon naming Dios, sinagot nʼyo ang dalangin ng inyong mga mamamayan.
ng inyong mga mamamayan: sa Hebreo, nila; Maaari ding sina Moises, Aaron at Samuel ang tinutukoy gaya ng nakasulat sa talatang 6.

Ipinakita nʼyo sa kanila na kayo ay Dios na mapagpatawad kahit na pinarusahan nʼyo sila sa kanilang mga kasalanan.
9Purihin ang Panginoon na ating Dios.
Sambahin siya sa kanyang banal na Bundok,
dahil ang Panginoon na ating Dios ay banal.
Copyright information for TglASD