Job 22
1Pagkatapos sumagot si Elifaz ang taga-Teman at sinabing, 2“Magiging kagamit-gamit ba ang tao sa Diyos? Magiging kagamit-gamit ba ang matalino sa kaniya? 3Kasiyahan ba para sa Makapangyarihan kung ikaw ay matuwid? Kapakinabangan ba para sa kaniya kung ginawa mong tuwid ang iyong pamamaraan? 4Dahil ba sa iyong paggalang para sa kaniya kaya ka niya sinasaway at dinadala sa paghuhukom? 5Hindi ba napakatindi ng kasamaan mo? Wala bang katapusan ang mga kasalanan mo? 6Dahil naningil ka ng pangseguridad mula sa kapatid mong lalaki nang walang dahilan; hinubaran mo ang isang tao. 7Hindi mo binigyan ng tubig na maiinom ang mga nanghihina; nagdamot ka ng tinapay mula sa mga nagugutom 8bagaman ikaw, isang makapangyarihan, ay nagmamay-ari ng mundo, bagaman ikaw, na taong pinaparangalan, ay namumuhay dito. 9Pinaalis mo ang mga balo nang walang dala; nabali ang mga bisig ng mga walang ama. 10Kaya, nakapaligid sa iyo ang mga patibong, at binabagabag ka ng hindi inaasahang mga takot. 11Mayroong kadiliman, para hindi ka makakita; binabalutan ka ng kasaganaan ng mga tubig. 12Hindi ba’t nasa kalangitan ang Diyos? Pagmasdan mo ang taas ng mga tala, napakataas nila! 13Sinasabi mo, ‘Ano bang alam ng Diyos? Kaya ba niyang humatol sa makapal na kadiliman? 14Binabalutan siya ng makapal na mga ulap, para hindi niya tayo makita; lumalakad siya sa ibabaw ng arko ng langit.’ 15Papanatilihin mo ba ang dating daan kung saan lumakad ang masamang mga tao— 16ang mga dinampot palayo sa panahon nila, ang mga tinangay ang pundasyon katulad ng ilog, 17ang mga nagsabi sa Diyos, ‘Lumayo ka sa amin’; ang mga nagsabing, ‘Ano ba ang kayang gawin ng Makapangyarihan sa atin?’ 18Pero pinuno niya ang kanilang mga tahanan ng mabubuting bagay; malayo sa akin ang mga balak ng mga masama. 19Nakikita ang kanilang kapalaran ng mga taong tuwid at nagagalak; pinagtatawanan sila ng mga taong walang sala para hamakin. 20Sinasabi nila, ‘Siguradong pinuputol ang mga tumayo laban sa atin; tinupok ng apoy ang kanilang mga pagmamay-ari. 21Ngayon, sumang-ayon ka sa Diyos at makipagpayapaan sa kaniya; sa ganoong paraan, darating sa iyo ang kabutihan. 22Pakiusap, tanggapin mo ang tagubilin mula sa kaniyang bibig; ingatan mo ang kaniyang mga salita sa iyong puso. 23Kung babalik ka sa Makapangyarihan, kung itataboy mo ang hindi makatuwiran mula sa iyong mga tolda, maitatatag ka. 24Ilatag mo ang iyong mga kayamanan sa alikabok, ang ginto ng Ofir sa gitna ng mga bato ng batis, 25at ang Makapangyarihan ang iyong magiging kayamanan at mahalagang pilak sa iyo. 26Dahil sa ganoon masisiyahan ka sa Makapangyarihan; itataas mo ang iyong mukha sa Diyos. 27Mananalangin ka sa kaniya, at diringgin ka niya; tutuparin mo ang iyong mga pangako sa kaniya. 28Mag-uutos ka rin ng kahit ano, at pagtitibayin ito para sa iyo; magliliwanag ang ilaw sa iyong daan. 29Binababa ng Diyos ang mga mapagmataas, nililigtas niya ang mga nakababa ang mga mata. Ililigtas niya ang taong walang sala; maliligtas ka sa pamamagitan ng kalinisan ng iyong mga kamay.” 30
Copyright information for
TglULB