Job 28
1Tiyak na mayroong isang mina ng pilak, isang lugar kung saan dinadalisay nila ang ginto. 2Hinuhukay ang bakal mula sa lupa; tinutunaw ang tanso mula sa bato. 3Nagtatakda ang tao ng wakas sa kadiliman at hinahanap sa pinakamalayong hangganan, ang mga bato sa karimlan at makapal na kadiliman. 4Gumagawa siya ng isang hukay pangminahan malayo sa kung saan naninirahan ang mga tao, mga lugar na nalimutan ng kaninumang paa. Naglalambitin siya malayo sa ibang mga tao; pabalik-balik na umiindayog. 5Tungkol sa lupa, mula kung saan nanggagaling ang tinapay, tinutupok ito sa ilalim na parang ng apoy. 6Ang mga bato nito ay ang lugar kung saan matatagpuan ang mga safiro, at ang alabok nito ay naglalaman ng ginto. 7Walang ibong mahuhuli ang nakakaalam ng landas patungo rito, ni nakita ito ng mata ng palkon. 8Hindi pa nalalakaran ang ganitong landas ng mga mapagmalaking hayop, ni dumaan na doon ang mabangis na leon. 9Ipinapatong ng isang tao ang kaniyang kamay sa matigas na bato; itinataob niya ang mga bundok sa kanilang mga ugat. 10Bumubutas siya ng mga lagusan sa mga bato; nakikita ng kaniyang mata ang bawat mahahalagang bagay doon. 11Ginagapos niya ang mga batis para hindi sila umaagos; anumang nakatago roon kaniyang dinadala sa liwanag. 12Saan kaya matatagpuan ang karunungan? Saan kaya ang lugar ng pang-unawa? 13Hindi alam ng tao ang halaga nito; ni hindi ito natatagpuan sa lupain ng mga buhay. 14Sinasabi ng malalim na mga tubig sa ilalim ng lupa, “Wala ito sa akin’; Sinasabi ng karagatan, “Wala ito sa akin.’ 15Hindi ito matatamo kapalit ng ginto; ni hindi matitimbang ang pilak bilang presyo nito. 16Hindi ito matutumbasan ng ginto ng Ofir, ng mahalagang oniks o safiro. 17Ang halaga nito ay hindi matutumbasan ng ginto at kristal; ni hindi ito maipagpapalit sa mga alahas ng mainam na ginto. 18Hindi karapat-dapat banggitin ang koral o haspe; tunay nga, ang presyo ng karunungan ay higit kaysa sa mga rubi. 19Hindi ito matutumbasan ng topaz ng Etiopia; ni hindi ito mapapahalagahan sa purong ginto. 20Kung gayon, saan nga nagmumula ang karunungan? Saan ang lugar ng pang-unawa? 21Natatago ang karunungan mula sa mga mata ng lahat ng mga buhay na bagay at pinanatiling nakatago mula sa mga ibon ng mga kalangitan. 22Sinasabi ng Pagkawasak at Kamatayan, ‘Isa lamang sabi-sabi tungkol dito ang narinig ng aming mga tainga.’ 23Nauunawaan ng Diyos ang landas patungo rito; Alam niya ang lugar nito. 24Dahil tumitingin siya hanggang sa mga pinakadulo ng daigdig at nakikita lahat ng nasa ilalim ng mga kalangitan. 25Sa nakaraan, ginawa niya ang pwersa ng hangin at binaha-bahagi ang mga tubig ayon sa sukat. 26Gumawa siya ng isang kautusan para sa ulan at isang landas para sa kidlat ng kulog. 27Pagkatapos nakita niya ang karunungan at ipinahayag ito; tunay nga, itinatag niya ito at sinuri niya ito. Sa mga tao sinabi niya, ‘Tingnan ninyo, ang takot sa Panginoon -- iyan ang karunungan; ang lumayo sa kasamaan ay pang-unawa.” 28
Copyright information for
TglULB