Job 32
1Kaya tumigil sa pagsagot kay Job ang tatlong mga lalaking ito dahil siya ay matuwid sa sarili niyang paningin. 2Pagkatapos sumiklab ang galit ni Elihu anak ni Baraquel, apo ni Bus ng pamilya ni Ram; sumiklab ito laban kay Job dahil binigyang katwiran niya ang kaniyang sarili sa halip na ang Diyos. 3Sumiklab din ang galit ni Elihu laban sa tatlo niyang mga kaibigan dahil wala silang nahanap na sagot kay Job, gayunman hinatulan nila si Job 4Ngayon naghintay si Elihu na makapagsalita kay Job dahil mas matanda sa kaniya ang tatlong ibang lalaki. 5Pero, nang nakita ni Elihu na walang sagot sa bibig ng tatlong mga lalaking ito, sumiklab ang kaniyang galit. 6Pagkatapos nagsalita si Elihu na anak ni Baraquel, apo ni Bus at sinabi, “Bata pa ako, at kayo ay napakatanda na. Iyon ang kung bakit nagpigil ako at hindi nangahas na sabihin sa inyo ang aking palagay. 7Sinabi ko, “Ang haba ng mga araw ay dapat magsalita; ang maraming mga taon ay dapat magturo ng karunungan. 8Pero may espiritu sa isang tao; binibigyan siya ng pang-unawa ng hininga ng Makapangyarihan. 9Hindi lamang ang mga dakilang tao ang marunong, ni ang mga matatanda lamang ang nakakaunawa ng katarungan. 10Dahil dito sinasabi ko sa inyo, “Dinggin ninyo ako; Sasabihin ko rin sa inyo ang aking kaalaman.’ 11Tingnan ninyo, naghintay ako para sa inyong mga salita; nakinig ako sa inyong mga pangangatuwiran habang iniisip ninyo tungkol sa ano ang sasabihin. 12Tunay nga, nakinig akong mabuti sa inyo, pero, tingnan ninyo, wala isa man sa inyo ang makakumbinsi kay Job o makatugon sa kaniyang mga salita. 13Ingatan ninyong huwag sabihing, “Natagpuan namin ang karunungan! Kailangang daigin ng Diyos si Job; hindi ito magagawa ng tao lamang. 14Dahil hindi itinuon ni Job ang kaniyang mga salita laban sa akin, kaya hindi ko siya sasagutin gamit ang inyong mga salita. 15Hindi makaimik ang tatlong mga lalaking ito; hindi na nila masagot si Job; ni isang salita ay wala na silang masabi. 16Dapat ba akong maghintay dahil hindi sila nagsasalita, dahil nakatayo sila doon nang tahimik at hindi na sumasagot? 17Hindi, sasagot din ako sa aking panig; sasabihin ko rin sa kanila ang aking nalalaman. 18Puno ako ng mga salita; itinutulak ako ng espiritung nasa akin. 19Tingnan ninyo, ang aking dibdib ay tulad ng nangangasim na alak na walang singawan; tulad ng bagong mga sisidlan ng alak, handa nang pumutok. 20Magsasalita ako para ako ay maginhawahan; ibubuka ko ang aking mga labi at sasagot. 21Hindi ako magpapakita ng pagtatangi; hindi rin ako magbibigay kaninuman ng titulo ng panggalang. Dahil hindi ko alam kung paano magbigay ng ganoong titulo; kung ginawa ko iyon, maaga akong kukunin ng aking Tagalikha. 22
Copyright information for
TglULB