‏ Job 33

1Kaya ngayon Job, nagmamakaawa ako sa iyo, pakinggan ang aking sasabihin; makinig ka sa lahat ng aking mga salita. 2Tingnan mo ngayon, binuksan ko ang aking bibig; nagsalita na ang aking dila sa aking bibig. 3Mga salita ko’y magsasabi ng pagkamatapat ng aking puso; kung ano ang alam ng aking mga labi, matapat silang magsasabi sa iyo.

4Ang Espiritu ng Diyos ang gumawa sa akin; ang hininga ng Makapangyarihan ang nagbigay buhay sa akin. 5Kung kaya mo, sagutin mo ako; ihanda mo ang iyong sasabihin sa harap ko at tumayo ka.

6Tingnan mo, matuwid din ako tulad mo sa paningin ng Diyos; hinulma din ako mula sa luwad. 7Tingnan mo, hindi ka matatakot sa akin; maging ang aking presensya ay hindi rin magiging mabigat sa iyo.

8Sa aking pandinig tiyak kang nagsalita; narinig ko ang tunog ng iyong mga salita na nagsasabi, 9“Malinis ako at walang pagkakasala; ako ay inosente, at ako ay walang kasalanan.

10Tingnan mo, naghanap ng pagkakataon ang Diyos na lusubin ako; tinuring niya akong kaaway. 11Ginapos niya ang aking mga paa sa mga kahoy na posas; tinitingnan niya lahat ng aking daraanan. 12Tingnan mo, sasagutin kita; nagkakamali ka sa pagsasabi nito, dahil ang Diyos ay mas higit kaysa sa tao.

13Bakit ka nakikibaka sa kaniya? Hindi niya kailangan ipaliwanag ang lahat ng kaniyang mga ginagawa. 14Minsan nang nagsalita ang Diyos - oo, dalawang beses, bagama’t hindi ito napapansin ng tao. 15Sa panaginip, sa pangitain sa gabi, kapag mahimbing na natulog ang mga tao ay dumating, sa pagkakatulog sa higaan -

16pagkatapos binubuksan ng Diyos ang mga tainga ng tao, at tatakutin sila ng mga banta, 17para hilahin sila mula sa kaniyang makasalanang mga layunin, at ilayo ang kayabangan sa kaniya. 18Nilalayo ng Diyos ang buhay ng tao mula sa hukay, ang buhay niya mula sa pagtawid sa kamatayan.

19Pinarurusahan din ang tao ng may kirot sa kaniyang higaan, na may patuloy na paghihirap sa kaniyang mga buto, 20para mapoot ang kaniyang buhay sa pagkain, at mapoot ang kaniyang kaluluwa sa masasarap na pagkain.

21Inubos ang kaniyang laman para hindi na ito makita; ang kaniyang mga buto na minsan ay hindi na nakikita, ngayon ay nakalitaw na. 22Sa katunayan, nalalapit na sa hukay ang kaniyang kaluluwa, ang kaniyang buhay sa mga humihiling na wasakin ito.

23Pero kung mayroong lamang na anghel na maaaring mamagitan para sa kaniya, isang tagapamagitan mula sa libi-libong mga anghel, para ipakita kung ano ang tamang gawin, 24at kung ang anghel ay mabait sa kaniya at sasabihin sa Diyos na, “Iligtas mo ang taong ito mula sa pagbaba sa hukay; nakahanap ako ng pangtubos para sa kaniya,

25pagkatapos ang kaniyang laman ay magiging mas sariwa kaysa sa isang bata; babalik siya sa mga araw ng kalakasan ng kaniyang kabataan. 26Mananalangin siya, at magiging mabait ang Diyos sa kaniya, para makita niya ang mukha ng Diyos nang may kasiyahan at bibigyan siya ng tagumpay.

27Pagkatapos aawit ang taong iyon sa harap ng mga tao at sasabihin, “Nagkasala ako at binaluktot kung alin ang tama, pero hindi pinarusahan ang aking kasalanan. 28Iniligtas ng Diyos ang aking kaluluwa mula sa pagpunta sa hukay; patuloy na makikita ng aking buhay ang liwanag.’

29Tingnan mo, ginawang lahat ito ng Diyos sa isang tao, dalawang beses, oo, kahit tatlong beses pa, 30para makuha ang kaniyang kaluluwa mula sa hukay, kaya maliliwanagan siya nang liwanag ng buhay.

31Bigyang-pansin mo ito Job, at makinig ka sa akin; tumahimik ka at magsasalita ako. 32Kung may sasabihin ka, sagutin mo ako; magsalita ka, dahil hiling ko na mapatunayan na ikaw ay nasa tama. Kung hindi, makinig ka sa akin; manatili kang tahimik, at tuturuan kita ng karunungan.”

33

Copyright information for TglULB