Job 38
1Pagkatapos tinawag ni Yahweh si Job sa malakas na bagyo at sinabi, 2“Sino itong nagdadala ng kadiliman sa aking mga plano sa pamamagitan ng mga salita na walang kaalaman? 3Talian mo ang iyong baywang gaya ng isang lalaki dahil magtatanong ako sa iyo, at kailangan mo akong sagutin. 4Nasaan ka nang inilatag ko ang pundasyon ng mundo? Sabihin mo sa akin, kung mayroon kang labis na kaunawaan. 5Sino ang nakaaalam ng lawak nito? Sabihin mo sa akin, kung alam mo. Sino ang nag-unat ng panukat dito? 6Saan nakalatag ang mga pundasyon nito? Sino ang naglatag ng mga panulukang-bato nito 7nang magkakasamang kumanta ang mga bituin sa umaga at sumigaw sa galak ang lahat ng mga anak ng Diyos? 8Sino ang nagsara ng dagat gamit ang pinto kapag bumubulwak ito, na parang lumabas sa sinapupunan - 9nang ginawa ko ang mga ulap bilang damit nito, at makapal na kadiliman bilang mga bigkis nito? 10Iyon ay noong nilagyan ko ng tanda ang hangganan ng dagat, at naglagay ako ng mga rehas at mga pinto, 11at nang sinabi ko dito, ‘Maari kang pumunta hanggang dito, pero hanggang dito lamang; dito ko ilalagay ang hangganan ng pagmamalaki ng iyong mga alon.’ 12Binuksan mo na ba, buhat noong nagsimula ang iyong mga araw, na magbigay ng utos na magsimula ang umaga, at idulot ang bukang-liwayway na malaman ang lugar nito sa takbo ng mundo, 13para mahawakan nito ang mga dako ng mundo para yanigin ang mga masasamang tao? 14Nagbago ang anyo ng mundo gaya ng luwad na nagbabago sa ilalim ng tatak; nangingibabaw ang lahat ng naroroon gaya ng mga tiklop na piraso ng damit. 15Mula sa masasamang tao ang kanilang ‘liwanag’ ay kinuha; sinira ang nakataas nilang braso. 16Nakapunta ka na ba sa mga pinagmumulan ng tubig sa dagat? Nakapaglakad ka na ba sa pinakamababang bahagi ng kailaliman? 17Naipakita na ba sa iyo ang tarangkahan ng kamatayan? Nakita mo na ba ang mga tarangkahan ng anino ng kamatayan? 18Naintindihan mo ba ang kalawakan ng mundo? Sabihin mo sa akin, kung alam mo ang lahat ng ito. 19Nasaan ang daan patungo sa kinalalagyan ng liwanag - para sa kadiliman, saan ito nakalagay? 20Kaya mo bang dalahin ang liwanag at kadiliman sa kanilang pinagtatrabahuhan? Kaya mo bang hanapin ang pabalik sa bahay nila? 21Siguradong alam mo, dahil pinanganak ka roon; ang bilang ng iyong mga araw ay napakahaba! 22Nakapasok ka na ba sa mga imbakan ng niyebe, o nakita mo na ba ang mga imbakan ng yelo, 23ang mga bagay na itinatago kong ito ay para sa panahon ng kaguluhan, para sa araw ng labanan at digmaan? 24Saang daanan binabahagi ang mga kidlat o saan kinakalat ang mga hangin mula sa silangan para sa buong mundo? 25Sino ang gumawa ng mga agusan ng mga pagbaha ng ulan, o sino ang gumawa ng mga daanan ng mga dagundong ng kulog, 26para idulot ito na umulan sa mga lupain kung saan walang tao ang nabubuhay, at sa ilang, kung saan walang ni isang tao, 27para matugunan ang mga pangangailangan ng baog at malungkot na mga rehiyon, at para pasibulin ang sariwang damo? 28May ama ba ang ulan? Sino ang nagbunga ng mga patak ng hamog? 29Kaninong sinapupunan galing ang yelo? Sino ang nagsilang ng puting hamog ng yelo mula sa himpapawid? 30Tinago ng mga tubig ang kanilang mga sarili at naging gaya ng bato; tumigas ang ibabaw ng kailaliman. 31Kaya mo bang ikandado ang mga kadena sa Pleyades, o kalagan ang mga tali ng Orion? 32Kaya mo bang patnubayan ang mga bituin para lumitaw sa kanilang nararapat na mga panahon? Kaya mo bang patnubayan ang Oso sa kaniyang mga anak? 33Alam mo ba ang mga batas sa himpapawid? Kaya mo bang ipatupad ang batas ng himpapawid sa mundo? 34Kaya mo bang sumigaw sa mga ulap, para masaganang bumuhos ang ulan sa iyo? 35Kaya mo bang ipadala ang mga kidlat para makalabas sila, na sasabihin nila sa iyo, ‘Narito na kami’? 36Sino ang naglagay ng karunungan sa mga ulap o nagbigay ng pang-unawa sa mga ambon? 37Sino ang makabibilang ng mga ulap sa pamamagitan ng kaniyang kahusayan? Sino ang kayang magbuhos ng tubig sa himpapawid 38kapag nagsama-sama ang maraming alikabok at nagkumpulan nang magkakasama ang tipak ng lupa? 39Kaya mo bang maghanap ng biktima para sa babaeng leon o pawiin ang gutom ng mga batang leon 40kapag yumuyukyok sila sa kanilang mga lungga at nakahigang naghihintay sa kanilang taguan? Sino ang nagbibigay ng biktima sa mga uwak kapag umiiyak ang mga batang uwak sa Diyos at sumusuray dahil sa kakulangan ng pagkain? 41
Copyright information for
TglULB