‏ Jonah 2

1Pagkatapos nanalangin si Jonas kay Yahweh na kaniyang Diyos mula sa tiyan ng isda. 2Sinabi niya, “Tumawag ako kay Yahweh tungkol sa aking pagdadalamhati at sinagot niya ako; mula sa tiyan ng lugar ng Sheol sumigaw ako para sa tulong! Narinig mo ang aking tinig.

3Itinapon mo ako sa kailaliman, sa puso ng karagatan, at pinalibutan ako ng alon; lahat ng iyong mga alon at gumugulong na alon ay dumaan sa ibabaw ko. 4At aking sinabi, ‘Pinaalis ako mula sa harapan ng iyong mga mata; gayunman ako ay muling tatanaw sa dako ng iyong banal na templo?’

5Nilukuban ako ng mga tubig hanggang sa aking leeg; nakapalibot sa akin ang kalaliman; nakabalot sa aking ulo ang damong-dagat. 6Bumaba ako sa mga paanan ng kabundukan; ang lupa kasama ang mga rehas nito ay lumukob sa akin magpakailanman. Gayunman iniangat mo ang aking buhay mula sa hukay, Yahweh, aking Diyos!

7Nang nanlupaypay ang aking kaluluwa, naalala ko si Yahweh; pagkatapos dumating sa iyo ang aking dalangin, sa iyong banal na templo. 8Ang mga nagbigay pansin sa mga walang kabuluhang diyos ay tinatanggihan ang iyong katapatan para sa kanilang sarili.

9Subalit para sa akin, mag-aalay ako sa iyo ng isang tinig ng pasasalamat; tutuparin ko kung alin ang aking ipinangako. Ang kaligtasan ay nagmumula kay Yahweh!” Pagkatapos nangusap si Yahweh sa isda, at iniluwa nito si Jonas paitaas sa ibabaw ng tuyong lupa.

10

Copyright information for TglULB