Micah 2
1Aba sa mga nagbabalak ng kasamaan, sa mga nagbabalak sa kanilang higaan na gumawa ng masama. Isinasagawa nila ito sa pagliwanag ng umaga dahil mayroon silang kapangyarihan. 2Naghahangad sila ng mga bukid at inaangkin ang mga ito; naghahangad sila ng mga bahay at kinukuha ang mga ito. Inaapi nila ang isang tao at ang kaniyang sambahayan, ang tao at ang kaniyang mana. 3Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh: “Tingnan ninyo, magdadala ako ng sakuna laban sa angkan na ito, kung saan hindi ninyo maiaalis ang inyong mga leeg. Hindi kayo makakalakad nang may kayabangan, sapagkat magiging isang panahon ito ng kasamaan. 4Sa araw na iyon, ang inyong mga kaaway ay aawit ng isang awitin tungkol sa inyo at mananaghoy na may kasamang pagtangis. Aawit sila ng, ‘Kaming mga Israelita ay ganap na nawasak, binabago ni Yahweh ang teritoryo ng aking mga (kababayan) tao. Paano niya ito aalisin mula sa akin? Ibinabahagi niya sa mga taksil ang aming mga bukid!’” 5Kaya, kayong mga mayayamang tao ay hindi magkakaroon ng mga kaapu-apuhan na maghahati-hati ng lupain sa teritoryo sa kapulungan ni Yahweh. 6“Huwag kayong magpahayag ng propesiya,” sinasabi nila. “Hindi nila dapat ipahayag ang mga bagay na ito, hindi dapat dumating ang kahihiyan.” 7Dapat ba talaga itong sabihin, sambahayan ni Jacob, “Galit ba ang Espiritu ni Yahweh? Talaga bang gawa niya ang mga ito?” Hindi ba gumagawa ng kabutihan ang aking mga salita sa sinumang lumalakad nang matuwid? 8Kamakailan lang, naghimagsik ang aking mga tao tulad ng isang kaaway. Inyong hinahablot ang balabal, ang kasuotan, mula sa mga dumadaan nang biglaan, gaya ng pagbalik ng mga kawal mula sa digmaan na kung saan iniisip nilang ligtas na. 9Itinataboy ninyo ang mga babaeng nabibilang sa aking mga tao mula sa kanilang masasayang mga tahanan; kinukuha ninyo mula sa kanilang mga batang anak ang aking pagpapala magpakailanman. 10Tumayo kayo at umalis, sapagkat hindi ito ang lugar kung saan maaari kayong manatili, dahil sa karumihan nito, nawasak ito nang lubusang pagkawasak. 11Kung may sinumang pupunta sa inyo sa espiritu ng kabulaanan at kasinungalingan at sasabihin, “magpapahayag ako sa inyo ng propesiya tungkol sa alak at matapang na inumin,” ituturing siyang isang propeta para sa mga taong ito. 12Tiyak na titipunin ko kayong lahat, Jacob. Tiyak na titipunin ko ang mga natitirang Israelita. Dadalhin ko silang magkakasama tulad ng tupa sa isang kulungan, tulad ng isang kawan sa gitna ng kanilang pastulan. Magkakaroon ng malakas na ingay dahil sa napakaraming tao. Mauuna sa kanila ang isang taong magbubukas ng kanilang daraanan. Bubuksan nila ang tarangkahan at lalabas, mauuna sa kanilang lalabas ang kanilang hari. Mauuna si Yahweh sa kanila. 13
Copyright information for
TglULB