Micah 4
1Ngunit sa mga huling araw, mangyayari na ang bundok na kinatatayuan ng tahanan ni Yahweh ay itatatag sa ibabaw ng iba pang mga bundok. Ito ay dadakilain nang higit sa mga burol, at magpupuntahan ang mga tao rito. 2Maraming bansa ang pupunta at sasabihin, “Halikayo, umakyat tayo sa bundok ni Yahweh, sa tahanan ng Diyos ni Jacob. Ituturo niya sa atin ang kaniyang mga kaparaanan at lalakad tayo sa kaniyang mga landas.” Sapagkat mula sa Zion lalabas ang kautusan, at ang salita ni Yahweh mula sa Jerusalem. 3Hahatulan niya ang karamihan sa mga tao at magpapasiya tungkol sa maraming bansa na malalayo. Papandayin nila ang kanilang mga espada upang maging mga talim ng araro at ang kanilang mga sibat upang maging mga kutsilyong pamutol. Ang bansa ay hindi na magtataas ng espada laban sa bansa, ni kailanman matututunan kung paano magsimula ng digmaan. 4Sa halip, uupo ang bawat tao sa ilalim ng kaniyang tanim na ubas at sa ilalim ng kaniyang puno ng igos. Walang sinuman ang mananakot sa kanila, sapagkat nagsalita si Yahweh, ang pinuno ng mga hukbo. 5Sapagkat lumalakad ang lahat ng tao, ang bawat isa, sa pangalan ng kanilang diyos. Ngunit lalakad tayo sa pangalan ni Yahweh na ating Diyos magpakailan pa man. 6“Sa araw na iyon”, sinabi ni Yahweh, “Pag-iisahin ko ang mga pilay at titipunin ko ang mga itinakwil, sila aking sinaktan. 7Gagawin kong natitira ang mga pilay at ang mga itinaboy sa isang matatag na bansa, at Ako si Yahweh, ang maghahari sa kanila sa Bundok ng Zion ngayon at magpakailan man. 8At ikaw, ang bantayan para sa kawan, ang burol ng anak na babae ng Zion, darating ito sa iyo— darating ang dating pamumuno, ang kaharian ng anak na babae ng Jerusalem. 9Ngayon, bakit ka umiiyak nang malakas? Wala na ba sa iyo ang hari, namatay na ba ang iyong tagapayo, sumapit sa iyo ang matinding kirot katulad ng babaeng manganganak? 10Magdusa ka at maghirap sa panganganak, anak na babae ng Zion, katulad ng isang babaeng nanganganak. Sapagkat ngayon aalis ka sa iyong lungsod, titira sa parang at pupunta sa Babilonia. Doon ay maliligtas ka. Ililigtas ka ni Yahweh doon mula sa kamay ng iyong mga kaaway. 11Ngayon, maraming mga bansa ang nagtipon laban sa iyo; sabi nila, ‘Hayaan siyang madungisan; ititig natin ang ating mga mata sa Zion.”’ 12Sinabi ng propeta, Hindi nila alam ang mga kaisipan ni Yahweh, ni nauunawaan man ang kaniyang mga plano, sapagkat tinipon niya sila na gaya ng mga bigkis para sa giikan. Sinabi ni Yahweh, “Tumindig ka at gumiik, anak na babae ng Zion, sapagkat gagawin kong bakal ang iyong sungay at gagawin kong tanso ang iyong mga kuko. Dudurugin mo ang maraming tao. Itatalaga ko ang kanilang mga kayamanan na kinuha sa hindi makatarungang pamamaraan at ang kanilang mga ari-arian sa akin, ako si Yahweh, ang Panginoon ng buong mundo.” 13
Copyright information for
TglULB