‏ Psalms 26

1Hatulan mo ako, Yahweh, dahil lumakad ako nang may dangal; Nagtiwala ako kay Yahweh nang walang pag-aalinlangan. 2Siyasatin mo ako, Yahweh, at ako ay iyong subukin; subukin mo ang kadalisayan ng aking mga kaloob-looban at ang aking puso! 3Dahil ang iyong katapatan sa tipan ay nasa harap ng aking mga mata, at ako ay lumalakad sa iyong katotohanan.

4Hindi ako nakikisama sa mga mandaraya, o nakikisalamuha sa mga hindi tapat. 5Napopoot ako sa kapulungan ng mga gumagawa ng kasamaan, at hindi ako nakikipamuhay sa mga masasama.

6Hinuhugasan ko ang aking mga kamay sa kawalan ng kasalanan, at pumupunta ako sa paligid ng iyong altar, Yahweh, 7para umawit ng isang malakas na awitin ng papuri at ibalita ang lahat ng iyong mga kahanga-hangang mga gawa. 8Yahweh, mahal ko ang tahanan kung saan ka naninirahan, ang lugar na pinananahanan ng iyong kaluwalhatian.

9Huwag mo akong walisin kasama ng mga makasalanan, o ang aking buhay kasama ng mga taong hayok sa dugo, 10kung saan ang mga kamay ay may masamang balak, at sa kanang kamay ay puno ng mga suhol.

11Pero para sa akin, lalakad ako nang may dangal; tubusin mo ako at maawa ka sa akin. Nakatayo ang aking paa sa pantay na tuntungan; sa mga kapulungan ay pupurihin ko si Yahweh!

12

Copyright information for TglULB