Psalms 35
1Kumilos ka laban sa mga kumikilos laban sa akin O Yahweh; labanan mo ang mga lumalaban sa akin. 2Kunin mo ang iyong maliit na pananggalang at malaking pananggalang; bumangon ka at ako ay iyong tulungan. 3Sa mga humahabol sa akin gamitin mo ang iyong mga sibat at palakol; sa kaluluwa ko ay iyong sabihin, “Ako ang iyong kaligtasan.” 4Nawa ang mga naghahangad sa aking buhay ay mapahiya at masira ang puri. Nawa ang mga nagbabalak na saktan ako ay tumalikod at malito. 5Nawa sila ay maging tulad ng hinanging ipa, sa pagtataboy ng anghel ni Yahweh sa kanila. 6Nawa ang kanilang daraanan ay maging madilim at madulas, habang tinutugis sila ng anghel ni Yahweh. 7Nang walang dahilan, naglagay sila ng lambat para sa akin; nang walang dahilan nagbungkal sila ng hukay para sa aking buhay. 8Hayaan mo na dumating sa kanila nang hindi inaasahan ang pagkawasak. Hayaan mo na mahuli sila ng inilagay nilang lambat. Sa kanilang pagkawasak, hayaan mong sila ay bumagsak. 9Pero magsasaya ako kay Yahweh at magagalak sa kaniyang kaligtasan. 10Sa aking buong lakas sasabihin ko, “Sino ang katulad mo, Yahweh, na siyang nagliligtas sa mga api mula sa mas malakas kaysa sa kanila at ang mahihirap at nangangailangan mula sa mga nagtatangka na nakawan sila?” 11Dumarami ang masasamang saksi; pinararatangan nila ako nang hindi totoo. 12Binayaran nila ng kasamaan ang aking kabutihan. Ako ay nagdadalamhati. 13Pero, nang maysakit sila, nagsuot ako ng sako; nag-ayuno ako para sa kanila na nakatungo ang aking dibdib. 14Nagdalamhati ako para sa aking mga kapatid; lumuhod ako sa pagluluksa para sa aking ina. 15Pero nang ako ay natisod, natuwa sila at nagsama-sama; nagsama-sama sila laban sa akin, at ako ay ginulat nila. Winarak nila ako nang walang humpay. 16Walang galang nila akong hinamak; nangalit ang kanilang mga ngipin sa akin. 17Panginoon hanggang kailan ka titingin? Iligtas mo ang aking kaluluwa mula sa kanilang mga mapangwasak na pag-atake, ang buhay ko mula sa mga leon. 18Pagkatapos magpapasalamat ako sa iyo sa dakilang pagpupulong; pupurihin kita sa maraming tao. 19Huwag mong hayaang magdiwang sa akin ang mapanlinlang kong mga kaaway; huwag mo silang hayaang magawa ang kanilang masasamang mga balak. 20Dahil hindi sila nagsasalita ng kapayapaan, sa halip, nagpaplano sila ng mga salitang mapanlinlang laban sa naninirahan sa aming lupain na mapayapang namumuhay. 21Binubuka nila ng malaki ang kanilang mga bibig laban sa akin; sabi nila, “Ha, ha, nakita namin ito.” 22Nakita mo ito, Yahweh, huwag kang manahimik; huwag kang lumayo sa akin Panginoon. 23Bumangon ka at gumising para ipagtanggol ako; aking Diyos at Panginoon, ipagtanggol mo ang aking panig. 24Ipagtanggol mo ako, Yahweh aking Diyos, dahil sa iyong katuwiran; huwag mo silang hayaang magalak sa akin. 25Huwag mong hayaang sabihin nila sa kanilang puso na, “Aha, nakuha na namin ang aming nais.” Huwag mong hayaan na sabihin nila, “Nilamon namin siya.” 26Ilagay mo sila sa kahihiyan at lituhin mo silang nagnanais na saktan ako. Nawa ang mga gustong humamak sa akin ay mabalot ng kahihiyan at kasiraan. 27Hayaan mong ang mga nagnanais ng paglaya ko ay sumigaw sa galak at matuwa; nawa patuloy nilang sabihin, “Purihin si Yahweh, siya na nasisiyahan sa kapakanan ng kaniyang lingkod.” Pagkatapos nito ang katarungan mo at kapurihan ay buong araw kong ihahayag. 28
Copyright information for
TglULB